There is nothing wrong with boastfulness if it is true. It will just become worst when it's full of lies and harms others.

Most of the time, those egotist achieved nothing. Or just boasting to cover up such failures. As I already said, "Are you hungry? Swallow your Pride. You'll be full!" It's would be better to stop talking and keep doing good works.

Boasting your achievements, though incorrect methods, can be challenging for others to follow your path of achievement or even exceeds your success.

But it's still better to be silent on the corner and let just the people notice the fruits of your success.

Let's the time decides your current status?


Walang masama sa pagyayabang kung ito'y may katotohanan. Nagiging sobrang masama lang lang ito kapag puno ng kasinungalingan at nakakasira sa kapwa.

Ang kalimitang nangyayari, maraming nagyayabang pero wala namang nararating. O di kaya'y nagyayabang lang para takpan ang kapalpakan. Hindi ba't gaya ng sabi ko "Gutom ka ba? Lunukin mo ang kayabangan mo. Mabubusog ka!" Maiging magtigil nalang sa kadadakdak ng mga kayabangan kundi ipagpatuloy lang ang mga mabuting gawa.

Ang pagyayabang ng iyong natamo, bagaman hindi tamang pamamaraan, ay pwedeng maging hamon para sa iba upang magpursege na makamit rin o lagpasan pa ang iyong tagumpay.

Ngunit mas maigi pa ring maging tahimik nalang at hayaan na makita ng mga tao na nakapalibot sa iyo ang mga bunga ng iyong tagumpay.

Hayaan ang panahon na sya ang magpasya kung saan na nga ba ang iyong narating?




0 comments Blogger 0 Facebook

Post a Comment

 
OLAN DEEMS © 2013. All Rights Reserved.
Top